May mga taong nagtataka
Dahil sa mga tinging kakaiba
Mga tinging hindi alam
Kung may ibig sabihin..
Hindi alam kung may ibang gagawin..
Kung sa salita ito’y “balewala”
Sa isipan ito’y “bakit kaya?”
Gusto bang makipag kaibigan..
O gusto… na ibang usapan?
Malawak ang naiisip ng ibang tao
Kasing lawak ng pang unawa ko.
Kaya kung may gusto kang sabihin
Pakiusap… wag mo kong idaan sa tingin.
greili331
No comments:
Post a Comment