Bago matulog sa gabi
ikaw ay iniisip
Baka sa aking panaginip
bigla kang sumingit
Ang langit ay bughaw
Ang mga bulaklak ay nagsasayaw
Tayo'y nagkukwentuhan at nagtatawanan
Pilit sinasariwa ang masayang nakaraan
Sa mata mong matiim na nakatingin
at sa malamig na dumadamping hangin...
Ako'y napapikit
dahil ang iyong labi ay papalapit
Bumukas ang bintana
kay liwanag ng umaga
Sa orasan ay alas siete na pala..
At sa panaginip ako'y gising na.. :(
greili331
No comments:
Post a Comment