Thursday, July 14, 2011

Inuman!

Mark of Euphoria



Ilang beses na ba
tayong napagsama sama
napagbuklod-buklod
at napasaya
ng mga pangyayaring nagsimula
sa mga salitang:
"SHOT NA!"

Red horse man o ginebra
Emperador o vodka
long neck o mucho
anu man ang tinitira
basta't kumpleto ang barkada
hindi ba't ok na?

dinuguan man ang pulutan
sisig o tsitsirya
kahit na tsinelas na nilaga pa
basta't makunat kunat
at may lasa
pagtiyagaan mu na!

pabente-bente man ang patak
o kaya'y sagot ng isa
meron mang pasok bukas o wala
sa inumang ito
ang pinakamahalaga
tayo'y sama-sama
bumaha man ng problema
lahat yan kayang-kaya!!


http://lucielnagashi.tabulas.com/2008/10/21/another-poem.../

No comments:

Post a Comment

Disqus for girlie-rumblings