Tuesday, August 23, 2011

sa jeep


 si girl:
Natapakan ko yung sapatos nung lalaki.. nagsorry ako at napaupo na .. sa tabi nya.
Napaka clumsy ko talaga.. nagkukwentuhan lang kami nung kaibigan ko. After nun… bumaba na yung kaibigan ko. At umusog ako para lumuwag. Paglingon ko sa lalaking katabi ko bigla nyang inayos yung kulot nyang buhok. Kasalukuyan kong sinusulat to habang traffic. Shit! Naramdaman kong lumingon sya! Sino kaya unang bababa samin. Huminto yung jeep at may sumakay… sa pagitan namin. Ooopss.. nagtetext sya.. sino kayang katext nya?

si boy:
Natapakan yung sapatos ko nung isang babae… at umupo sya sa tabi ko. Parang ang clumsy nya nga e. at madaldal, usap sila ng usap ng kasama nya. Saglit lang din at bumaba na yung kaibigan nya, at umusog sya palayo sakin, mabaho ba ko? Liningon nya pa ko, na conscious tuloy ako napaayos tuloy ako bigla ng buhok. Kasalukuyan ko tong tinatype sa cellphone, habang traffic, Sinubukan kong lingunin sya, anong sinusulat nya sa yellow pad? Sino kayang unang bababa samin? Huminto yung jeep at may umupo sa pagitan namin, hindi na ko nakausog nun, ang tiyaga nyang magsulat, anu kaya yun?

aug 22, 2011
12mn

No comments:

Post a Comment

Disqus for girlie-rumblings