Sunday, September 11, 2011

FIND THE KILLER


“Laro tayong find the killer” sabi ni Nikki..
“pano naman yun” tanong ni Mark.
“ah..” sabat ni Girlie “yung may judge.. nurse, ganun?”
“oo.. alam ko yun!” sabi ni Lian.
“E.. pano nga?” kunot noo ni Mark.
Sinabi ni Nikki ang instructions.
may mga maliliit na papel na i do draw lots, sa bawat papel ay may nakasulat na .. judge, nurse,doctor, lawyer, police, teacher, maid at kung ano anu pang professions, at pagkatapos may killer. Kung sino ang makabunot ng killer ay mangingindat *wink* ;) kung sino ang makindatan ay magsasabi ng “I’m dead” at out na sa laro. Pero hindi yun ganun kadali dahil hindi mo sasabihin ang bubunutin mo, at lahat ng makindatan ay magsasabi ng “I’m dead” maliban na lang sa lawyer, Judge, at Police, pag sila ang nakindatan ng killer ang sasabihin nila ay “you’re under arrest, at tapos na ang laro.
humirit ulit si Girlie. “wait.. maganda siguro kung ibahin natin ng konti… instead na kindat, mouthing of words saying ‘i love you’ tapos ang sasabihin ng mga biktima, ‘i’m busted’ kasi nagustuhan sya ng killer, at sasabihin ng manghuhuli ‘i love you too’ yung police lang magsasabi nun ah.. tapos yung judge tsaka lawyer, victims na din, para cute!”
nag agree naman ang lahat. nag indian seat sila at nakapabilog sa hallway.
before pa mangyari ang mga ito..
matagal ng may lihim na gusto si Nikki kay Mark, kaso lang barkada sila at posibleng masira ang pagkakaibigan nila pag nagtapat sya. Isa pa, may ibang gusto si Mark, ayon kay Nelson. Si Nelson ay isa din sa barkada nila.
Super close si Nikki at Mark, kaya ng napagsolo sila… pinipilit ni Nikki si Mark na sabihin kung sino ang gusto nito. Sasabihin na sana ni Mark kung sino ng nagdatingan ang iba pa nilang barkada galing elevator.
“Ang boring!!!” sabi ni Celvin..
“tara! dota na lang tayo…” sagot naman ni Marlon.
“ano ba yan! puro kayo dota…” sabi ni Girlie “Asan si Jham?” pahabol pa nya.
“alam mo naman yun bigla biglang nawawala…” sabi ni Lian.
“Tara… dota na lang tayo!” sabi ni Mark.
ang sama ng tingin ni Nikki kay Marlon dahil sa pag aaya nito…
“Laro na lang tayong find the killer” hirit ni Nikki
“pano naman yun” tanong ni Mark.
“ah..” sabat ni Girlie “yung may judge.. nurse, ganun?”
“oo.. alam ko yun!” sabi ni Lian.
“E.. pano nga?” kunot noo ni Mark.
Sinabi ni Nikki ang instructions. Habang sinasabi nya yun ay dumating si Jham…
natapos ang paliwanag at nag indian seat na sila. Nagbunutan na.. at tahimik na ang lahat.
“I’m busted” sabi ni Nelson “sosyal! english yun! ahahaha”
nagtawanan ang lahat! tapos ay tahimik ulit…
biglang tumawa si Jham sabay sabing “im busted”
nagkatinginan si Mark at Nikki, biglang nag mouthing of words si Mark ng “i love you” ngumiti naman si Nikki sabay sabing “i love you too” si Nikki pala ang nakabunot ng “police”
“Ang korni! videoke na lang tayo!” agaw eksena si Nelson.
nagtayuan ang lahat.
“magdodota na lang kami!” sabi ni Marlon.. nun din ay umalis si Celvin, Marlon, at Mark.
“Tara na nga din!” inis si Nikki, hindi bumenta ang game na naisip nya.
Habang nasa videokehan sila na katapat lang ng computer shop kung saan nagdodota sila Mark ay lihim na tinitingnan ni Nikki si Mark dahil tanaw nga lang ang puro salamin na computer shop.
“Nikki…” singit ni Girlie sa pag di day dream nya..
“O bakit?” sabi ni Nikki..
“sino yung sinabihan mo ng ‘i love you too’ kanina?”
“Huh? si Mark… e sya yung killer diba?”
“Tol, ito yung nabunot ko oh..” sabi ni Girlie, sabay bigay ng papel…
binasa ni Nikki ang nakasulat “KILLER”
napalingon agad si Nikki sa computer shop.. nahuli nya si Mark na nakatingin sa kanya di na ito nakaiwas kaya kumindat na lang ito sa kanya..
*the end*

No comments:

Post a Comment

Disqus for girlie-rumblings