Monday, November 7, 2011

"SOUL SEARCHING"

"Out of town?!" tanong ng pinakamabait nyang kapatid, dahil nag iisa lang naman ito.
"Oo! para sa thesis ko" sagot ni Mark.
"Sang lugar mo balak pumunta?" tanong ng kapatid nya.
"Sa Quezon."busy pa rin sya sa pag iimpake..
"Sino namang kasama mo?!"
"Nasasapian ka ba ni mama? Bat ganyan mga tanong mo?"
"Bat mo sinagot ng tanong yung tanong ko?!"
"Ako lang ho mag isa at hindi ko kailangan ng kasama.."
Doon na lumabas ang kapatid nya.
Matagal na nyang gustong mag "soul-searching" at ang thesis nya ang naging tulay para gawin ito.
Kakabreak nya lang sa girlfriend nya, iniwan sya nito dahil may nakilalang mas higit "kuno" sa kanya. At sa tuwing naaalala nya yun, nauuhaw sya sa alak.
"Best, ingat ka dun ah.. dapat kasi sinama mo ko eh!" si Anika, ang bestfriend nya. Kausap nya ito sa cellphone.
"Sus! baka sila mag ingat sakin! hahah" nasa bus na sya papuntang Quezon.
"know what? i'm trying to convince myself na thesis lang ang dahilan ng pag alis mo.."
tahimik lang si Mark.
"You'll find someone better than her." pag cheer up ni Anika.
tahimik pa din..
"Sorry.." yun na lang ang sinabi ni Anika.
"Thesis lang talaga An, s-sige na.. tawagan kita mamaya" sumagot din si Mark.
Huminto ang bus. May sumakay. Nasa may bintana nakaupo si Mark at (syempre... katulad ng ibang kwento) Bakante ang tabi nya. Doon umupo ang isang babae. Nakaputing t-shirt at maong na pants. Naka pony tail ang buhok. at (syempre dapat) maganda. alam iyon ni Mark kahit sa bintana sya nakaharap. nakikita nya ang reflection ng babae sa salamin ng bintana. Ang perfect ng mukha ng babae. lalo na pag side view.
Binanggit na ng konduktor ang destinasyon ni Mark. Ayaw man nyang bumaba dahil sa babae ay kinukumbinsi nya ang sarili o tamang sabihin na niloloko nya ang sarili na thesis ang dahilan ng pagpunta nya doon. Hindi na nya makalimutan ang mukha ng babae.
Nakahanap naman agad sya ng tutuluyan. Bahay ng isang mag asawa. Agad nyang tinawagan si Anika para ikwento ang tungkol sa babae.
"Haha! dapat hindi ka muna bumaba" sabi ni Anika
"E kailangan e, pero di bale... if she's really for me. Destiny will find ways para magkita ulit kami."
"Hmm..disagree, hindi laging destiny... sabi nga 'nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa' dapat mag effort ka!"
"Anong klase ka? ikaw ba yung nahiwalay kong konsensya?... tsk! nanghihinayang tuloy ako!" binuksan ni Mark ang bintana ng kwartong tinutuluyan nya. Tanaw doon ang isang malaking bahay..
"Haha!! dapat kasi sinusunod mo ang gusto mo..."
"E pano pala kung taken na sya?"
"E pano kung hindi? umiiral na naman yang pagiging MARKova mo! hahha"
"Kaibigan talaga kita! PInasasama mo lagi loob ko!" biro ni Mark.
napahinto si Mark sa pagtatanggal ng damit sa bag dahil inagaw ang atensyon nya ng tunog ng tricycle. Bumaba doon ang isang babae na nakaputing tshirt at maong na pants. Lumapit pa si Mark sa bintana para masigurado.
"Mark, andyan ka pa?"
"NAKITA KO NA SYA!!" sigaw ni Mark
"Kaagad??"
"Pumasok sya dun sa malaking bahay, tapat ng tinitirhan ko"
"Wow! That's destiny!
"Ano ng gagawin ko?"
"Haha! wala... destiny will find ways.."
"Hay naku! tapos pag may ginawa na ko, saka naman gagana yung instinct mo na 'i should've said this, i should've done that' ganun ganun mo!!"
"Hahah, gagawin ko ba talaga yun?"
"Oo! sige na! baba ko na to!"
"Let me remind you one thing"
"ano?"
"Thesis ang pinunta mo dyan, hindi babae!"
Naghahapunan na.. tinanong nya ang mag asawa kung kilala ba nila ang nakatira sa tapat, ngunit sa kamalas malasan ay hindi. dahil hindi daw mahilig makisalamuha ang mag-asawa sa labas. Pansin nya naman iyon.
Nakatulugan nya ang pag iisip sa dalaga.
Kinabukasan... naghanda na sya para simulan ang gagawing thesis, dun sya pumwesto sa labas ng bahay, may upuan doon at lamesa. gusto nya ding magpapansin kung sakali mang lumabas ang dalaga.
Tatlong araw ang nakalipas, wala pa din ang babae. hanggang isang hapon, tumunog ang bakal na gate sa tapat, doon lumabas ang babae, nakabistidang puti naman ito.
wala sa isip na sinundan nya ang babae, nakarating sila sa tabing dagat...
ayaw na nyang palampasin an pagkakataon...
"Hi" bati nya
lumingon naman ang dalaga at ngumiti...
"ako nga pala si Mark"
"Ella, bago ka dito?"
"Ah, gumagawa kasi ang thesis at-"
"Thesis..." putol ni Ella na hindi interesado.
naramdaman naman iyon ni Mark.
"a-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Mark
"Wala, namamasyal lang, matagal ko na kasi tong hindi nagagawa...
...simula nung magkasakit ako.." sabi ni Ella
"Anong sakit mo?"
"Puso, broken hearted kasi ako... hahahaha"
na-amaze naman si Mark si attitude ni Ella, masayahin ito at palangiti.
Naging magkaibigan sila, at doon lagi ang meeting place nila..
nagku.kwentuhan, nagkukulitin, per dumating ang araw na malapit ng umalis si Mark,
"May cell number ka ba?" tanong ni Mark
"wala akong cellphone" nakangiti pa din si Ella.
"seryoso ka?"
"Kung meron, hindi ako magdadalawang isip na ibigay yun sayo"
"Malapit na kasi akong umuwi sa Manila, sana may communication pa din tayo"
"Dalawin mo ko sa bahay bago ka umuwi ah, sabihin mo bestfriend kita" sabi ni Ella.
"Hindi ko ba pwedeng sabihin na... manliligaw?
Hinawakan ni Ella ang kamay ni Mark.
"Masyado pang kumplikado.." nakangiti si Ella. hindi nawawala ang ngiti nito.. "dalawin mo ko sa bahay namin ah.." saka na ito umalis.
naiwan si Mark. malungkot
Tinawagan nya ang bestfriend nya kinagabihan.
"w-wala syang cellphone?" si Anika
"sabi nya e," nagliligpit na si Mark ng damit dahil aalis na din sya kinabukasan.
"At naniwala ka naman? Kahit nga 4 years old may cellphone na!"
"Probinsya naman to An..."
"Bakit pang probinsya ba yung bahay nila?" pang aasar ni Anika, hindi na naman nagsalita si Mark "Anong plano?"
"Pupunta ko sa kanila bukas ng umaga, para magpaalam"
"Sabagay, may snail mail naman, possible pa rin kayong magka communication"
"O sige na! tawagan na lang kita bukas!"
"Wait!"
"Ano?"
"Natapos mo ba yung thesis mo?"
"Hindi..."
"Okay, sawi ka! two times! haha! bye!"
Kinabukasan...
nagdoorbell si Mark sa bahay nila Ella. Katulong ang nagbukas.
"Good morning po, dadalawin ko lang po sana si Ella"
pinapasok naman sya... sa loob, sinalubong sya ng Nanay ni Ella, sinabi naman nya ang sadya nya.
Pero nagtaka sya ng bigla syang pinasunod hanggang sa kwarto ni Ella...
Pagbukas ng pinto..
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Puro aparato ng ospital ang nakapaligid sa nakahigang si Ella. Naguluhan si Mark sa nakita... pero mas naguluhan sya sa sinabi ng Mama ni Ella.
"Mahigit isang taon ng syang comatose, yung mga aparato na lang na yan ang bumubuhay sa kanya..."
Noon naalala ni Mark ang minsang kwentuhan nila ni Ella..
"Bukod sa thesis... andito ko para mag soul searching.."
"Sa tingin ko... nakahanap ka na" nakangiting sabi ni Ella.
*END*

1 comment:

  1. Recently i gone to your court house to post a certified copy associated with my very own Divorce Decree and there was a couple within wanting a Marriage Certificate, but because his divorce, ten years back wasn't submitted appropriately, they were getting many trouble!! Hiring a good attorney are a wide action also it can be a terrifying "no switching back" step, but if you're sure that divorce is in your long term go in advance and go ahead and take definitive action to engage the best divorce attorney.
    divorce attorney
    The very thought of concluding a single portion of their our life is demoralizing, triggering considerably problems along with misunderstandings. The last thing why these people have to handle may be the find a divorce attorney. Those who're going through the divorce will often see that they may be managing a really challenging and also mental scenario. The very thought of concluding a single section of his or her life's discouraging, causing significantly problems and also distress.

    ReplyDelete

Disqus for girlie-rumblings